"don't disturb"

"mahal, may tao dito sa loob ng kwarto.."
"check ko.."

kinakabahang nagtakip ng kumot sa mukha ang babae.. pagkatayo ng lalake ay nakangiti itong tiningnan ang asawa habang inaabot ang switch ng ilaw para sindihan ito..


kasabay ng pagliwanag ng kwarto ay ang isang awitin na sinimulang kantahin ng isang babae na sinasabayan naman ng isang lalake na tumutugtog ng maliit na piano.. sila rin ay nakangiti habang nakatingin sa babaeng hindi naiintindihan ang nangyayari sa mga sandaling iyon..

"happy anniversary, mahal ko..", sambit ng lalakeng ngayon ay may nakasabit na rin na kurbata sa leeg habang inaalayan ng halik ang asawa.. "alam kong baduy ang boxer shorts tsaka kurbata pero ayos lang, naka-undies ka lang din naman eh.."

"loko..", nakangiti na ring sagot ng babae.. "para sa anniversary natin 'to?"

"ayaw mo ba? hindi ba maganda 'yung setup?"

niyakap na lang ng babae ang asawa para ipadama rito ang kanyang tuwa..

pagkatapos nu'n ay salo-salo silang nag-agahan ng tinapay tsaka kape..kalauna'y nagpaalam na rin ang mga bisita..

"alam mo, mahal, bagay sa'yo 'yang kurbata mo.. halika nga..", sabay hila sa asawa sa pamamagitan ng paghatak sa suot nitong kurbata..

hinabol na lang ng lalake na lagyan ng tag ang doorknob ng kwarto nila ng "don't disturb"..

2 ang may astig na opinyon:

ano ang masasabi mo??