"ngipin sa ngipin: the rotten ballad about 'bunutan ng mga nabubulok na ngipin'"


bilib ako sa isang kaibigan at dating kaopisina ko.. para sa akin, isa na siya sa listahan ko ng pinakamatatapang sa buong kasaysayan.. parang ritwal na lang kasi sa kanya ‘yung regular niyang pagpunta sa dentista para ipaayos ang mga ngipin niya.. naroong kailangang palitan o higpitan ang braces niya, lagyan ng goma sa may panga, bunutan ng pangil, etc.. habang nagkukwento siya sa mga naging adventures niya sa dental clinic at sa mga pakikipagbuno laban sa dentista niya, ngilung-ngilo naman ako habang nakikinig sa kanya.. sa lahat kasi ng pinaka-ayaw kong galawin o ipagalaw na parte ng katawan ko eh ang mga ngipin, lalung-lalo na kung ang pag-uusapan eh extraction na.. malakas ang loob ko sa maraming bagay pero pagdating sa dentista, duwag ako..

naalala ko tuloy nu’ng isang araw na pinansin ni master ‘yung mga ngipin ni Raw.. suhi-suhi din kasi ang mga ngipin nito at meron pang may ngipin pa nga, may tumutubo na sa ilalim.. matapang din kasi at hindi pa naman nagrereklamo na may masakit o ano, kahit nga ‘yung mga may umuuga na o nabubulok, balewala lang.. kaso ayokong ipagalaw ‘yung ngipin ni Raw dahil alam ko ang kalbaryo ‘pag naupo na sa dental chair para pag-tripan ang kawawang mga ngipin mo..
“ayos lang ‘yun para gumanda ngipin ni Raw”, sabi ni master..
“basta ‘wag ni’yong galawin ‘yan.. kahit pangit o bungi-bungi ang mga ngipin niyan, magkaka-asawa pa rin ‘yan..”

4 comments:

  1. haha . .natuwa ako du nsa nangingilo ka ahabng nakikinig sa kwento niya about his experience .. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ngipin kasi adre eh, nakakangilo talaga hahaha

      Delete
  2. Parang the adventures to the dentist...:D

    ReplyDelete
  3. Pwede na bang tawaging "pakikibaka"? :D

    ReplyDelete